Abante Tonite
Mabilis sa Balita

43 barangay binaha sa Lanao del Sur

0 63

Nasa 43 barangay sa Taraka, Lanao del Sur ang binaha matapos na umapaw ang ilog sa nasabing bayan nitong Biyernes.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Abdul Hasim Badron, umapaw ang ilog dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan.

Apektado ng pagbaha ang nasa 3,914 residente at anim na paaralan.

Bukod sa baha, nawalan din ng kuryente sa nasabing lugar noong Huwebes.

Tinatayang aabot ng P500,000 ang kabuuang halaga ng pinsalang dulot ng pagbaha sa agrikultura at mga nasirang lansangan. (Ansherina Jazul)

Leave A Reply

Your email address will not be published.