Abante Tonite
Mabilis sa Balita

43 `Pastillas’ Gang sinipa sa immigration

0 209

Mahigit 43 kawani ng Bureau of Immigration ang tinanggal sa kanilang posisyon matapos masangkot sa “outbound pastillas” scam na diumano’y konektdo sa iligal na pagpapadala ng mga Pinay sa Syria.

Ito ang ibinunyag ni BI Commissioner Morente sa pagpapatuloy ng Senate committee on women sa trafficking ng mga Pinoy sa Syria.

“About 43 of them, including the others were already relieved from their post,” pahayag ni Morente sa pagdinig.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Morente, pinadala na niya sa Department of Justice, ang fact-finding report, na nagrereomendang kasuhan ang mga tiwaling tauhan ng BI ng grave misconduct, gross neglect of duty at iba pa.

Noong Marso, ipinag-utos ni Morento na imbestigahan ang 28 immigration officers matapos ibunyag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 44 na Pinay sa Syria ay nabikitma ng mga human trafficking syndicate.

Sa naturang pagdinig, sinabi ng mga whistleblower na sina Allison Chiong at Jeffrey Dale Ignacio na bukod sa mga immigration officer, sangkot sa naturang raket ang mga airline visa readers at mga iligal na ahente. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.