Abante Tonite Interactive

43 virus positive sa Cainta

807

Umabot na sa 43 ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bayan ng Cainta kung saan patuloy na tinitiyak ang kaligtasan ng mga residente sa kabila nang pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Cainta Mayor Johnielle Keith `Kit’ Pasion Nieto, pitong barangay ang lubos na naapektuhan ng virus kungsaan nasa 16 na ang nagpositibo sa Barangay San Isidro na mayroong 36 person under investigation (PUI) at 103 ang person under monitoring (PUM); 10 sa San Andres na mayroong 40 PUI at 58 PUM; pito sa Sto. Domingo na mayroong 48 PUI at 45 PUM; siyam sa San Juan na nasa 32 ang PUI at 59 ang PUM, at isa sa Barangay San Roque na may dalawang PUI.

Habang ang Barangay Sto. Nino ay wala pang naitatalang nagpositibo subalit mayroong tatlong PUM at ang Barangay Sta. Rosa na may dalawang PUI.

Base sa report ng One Cainta, nasa 160 ang PUI at nasa 268 ang PUI at sa 43 na nagpositibo habang may 10 na naka-confine sa pagamutan, 26 ang nasa home quarantine at anim na ang nasasawi.

Paliwanag ng alkalde patuloy ang kanilang paghihigpit upang matiyak na hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 kasabay ng mahigpit na paalala sa mga barangay na ipatupad ang curfew at pagbabawal ang mga tao sa labas ng bahay upang hindi magkasakit. (Vick Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad