Abante Tonite
Mabilis sa Balita

437 local exec, mga kasabwat kinasuhan sa SAP

0 216

Nasa 437 na mga elected at appointed official kasama ang mga kasabwat na sibilyan ang nahaharap sa mga kasong kriminal dahil sa umano’y mga anomalya sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, bagamat patuloy ang pamamahagi ng pamahalaan ng ikalawang tranche ng SAP ay puspusan din sila sa pagsasampa ng mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal at kanilang mga kasabwat.

SM food to go Banner Ad

Aniya, sa ngayon ay 437 kaso na ang inihain nila sa iba’t ibang Prosecutor’s Office ng Department of Justice (DOJ). Kabilang dito ang 203 elected public official katulad ng mga mayor, konsehal, barangay chairman, kagawad at maging mga opisyal ng Sangguniang Kabataan.

Ang 102 iba pa ay iba pang mga nanunungkulan sa mga pamahalaang lokal habang may 132 sibilyan naman ang dawit sa kaso. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.