Abante Tonite Interactive

43rd Nat’l Milo Marathon may 11 yugto sa taong ito

0 239

Aarangkadang muli ang National Finals ng Milo Marathon na nasa ika-43 na edisyon sa Luzon na may 11 Regional Legs na pasisimula sa Urdaneta, Pangasinan sa Hulyo 14.

Tulad sa nakaraang taon, tatakbo ang karera sa 11 probinsya sa kapuluan ng bansa para sa mga nagnanais mag-qualify sa Finals base sa tinakdang oras.

Pagkatapos sa Pangasinan, Metro Manila eliminations ang kasunod na yugto sa Hul. 28, Subic leg sa Agosto 4, Lucena sa Setyembre 15, Batangas sa Set.
22, Cebu City sa Set. 29, Iloilo sa Oktubre 6, General Santos sa Okt. 13, Davao sa Okt. 20 at Cagayan de Oro sa Nobyembre 17.

Abante Hiring – IT dep

Hahagibis ang Finals sa Tarlac sa Enero 19, 2020 bilang pagbibigay panahon sa pagsasagawa sa bansa ng 30th Southeast Asian Games 2019 sa Nov. 30-Dec. 11. (Lito Oredo)