Abante Tonite
Mabilis sa Balita

44 baril naglaho sa presinto

0 348

Nasa 44 mga surrendered firearms ang hinihinalang ninakaw matapos maglaho sa safety deposit cabinet ng Tanauan City police station sa Batangas.

Sa report ng pulisya, isa rin sa mga miyembro ng Tanauan police ang hinihinalang responsable sa pagkawala ng mga baril.

Ang nawawalang mga baril ay nakadeposito sa police station matapos boluntaryong isurender ng mga gunholder na sumailalim sa kampanya ng PNP hinggil sa loose fire arms.

Noong nakaraang July 8 pa nadiskubre ang pagkawala ng mga baril mula sa safety cabinet. Subalit nang magsagawa ng imbestigasyon ang Tanauan police, natuklasan nitong Biyernes, na isa sa 9mm ay isinanla umano ni Patrolman Mark Jay Lirio sa kapwa pulis na si PSSg John John Patulot sa halagang P10,000.00.

Ayon kay Patulot, sinabi umano ni Lirio na kanya ang baril. Subalit nang beripikahin ang serial number, nalaman na kabilang ang baril sa mga nawawala.

Pinaghahanap ngayon ng Tanauan police si Lirio upang magbigay-linaw sa pangyayari. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.