Abante Tonite
Mabilis sa Balita

44 dating rebelde tumanggap ng P440K negosyo kit

0 61

HIGIT-KUMULANG P440,000 na halaga ng “negosyokits” ang ipinamahagi ng Provincial Government ng Bohol kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine Army sa 44 na dating rebelde sa Bohol Provincial Capitol, Tagbilaran City.

Personal na tinaggap ng mga dating rebelde ang mga livestarter kits mula kay DTI Provincial Director Maria Soledad Balistoy at DTI Assistant Secretary Asteria Caberte, kasama si Governor Arthur Yap, Vice Governor Rene Relampagos, 1st District Congressman Edgar Chatto, 2nd District Congressman Aris Aumentado at si Maj. Mozart Jaque, Battalion Executive Officer, 47IB.

Tumanggap ng tig-P10,000 na halaga ng worth ng minigroceries, bigas, at livestock tulad ng kambing, baboy, mga manok at feedsgrower ang tinaggap nila. Mayroon din na mga vitamins, mga itlog at iba pa.

Ang “negosyo kits” ay bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan sa mga magbabalik-loob na mga sundalo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.