Abante Tonite
Mabilis sa Balita

44 na coronavirus positive sa Kamara

0 116

Kabuuang 44 empleyado na ang kumpirmadong tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Inihayag ni House Secretary General Jose Luis Montales nitong Linggo na isa pang empleyado ng Kamara ang dinapuan ng naturang sakit dahilan para umabot na sa 44 ang kaso ng COVID-19 infection sa kapulungan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Montales, ang empleyadong nagpositibo sa COVID-19 ay nakatalaga sa Plenary Support Service na huling nag-report sa trabaho mula Agosto 3 hanggang Agosto 5.

Sinabi pa ni Montales na ang naturang empleyado ay close contact ng isa pang nakumpirmang kaso ng COVID-19 na nagtatrabaho sa Committee on Rules.

Tiniyak naman nito na nagsasagawa na sila ng contact tracing.

Leave A Reply

Your email address will not be published.