Abante Tonite
Mabilis sa Balita

44 nagtapos sa agrikultura pinamanahan ng tig-1 ektarya

0 121

Ginawaran na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng titulo ng lupang sakahan ang 44 na nagtapos ng agrikultura mula sa Palawan at Cagayan Province.

Pinangunahan ni Agrarian Reform Sec. Bro. John Castriciones kasama si Usec. Emily Padilla ang nagbigay sa Certificate of Land Ownership sa mga batang graduate ng Bachelor of Science in Agriculture.

May 30 mga estudyante mula sa Cagayan Province at 14 na graduate naman sa Palawan ang unang batch na tumanggap ng titulo.

Ang pagbibigay ng lupang sakahan sa mga Agriculture Graduates ay base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong pirmahan ang Executive Order No. 75 series of 2019.

Maraming nagtapos ng kursong agrikultura ngunit wala namang sariling lupang sinasaka kung kayat mismong ang Pangulo na ang nagsabing bigyan ang mga ito ng lupa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.