Abante Tonite
Mabilis sa Balita

44K `di naka-enroll sa state university, college

0 97

Tinatayang may 44,000 mag-aaral sa mga state university and colleges (SUC) ang hindi naka-enroll ngayong academic year, ayon sa isang grupo.

Base umano sa survey na isinagawa ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) ito ang lumabas na bilang ng mga mag-aaral na hindi nag-enroll sa 112 SUC sa bansa.

Inihayag ni PASUC president Tirso Ronquillo sa panayam sa radyo na marami kasing magulang ang nawalan ng trabaho habang ang ilan ay nakararanas ng anxiety o pangamba sa pasukan dahil sa COVID-19.

Sabi pa ni Ronquillo, may mga nagda-drop pa ngayon dahil hindi makasabay sa mga bagong paraan ng pag-aaral.

Subalit inihayag din nito na magsasagawa uli sila ng survey sa katapusan ng Oktubre para malaman kung ilan talaga ang hindi natuloy mag-aral sa mga SUC ngayong academic year. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.