Abante Tonite Interactive

44th PBA season exciting — Marcial

233

Inaasahang mas magiging maigting at bibilis ang aksiyon sa mga laro sa pagbubukas ng 44th Philippine Basketball Association (PBA) 2019 dahil sa ilang pagbabago na magdaragdag interes sa propesyonal na liga simula sa Enero 13 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nakatakdang ihayag ng PBA ang buong plano at programa sa taong ito sa pakikipagharap ng mga Board of Governor at ni Commissioner Willie Marcial sa Conrad Hotel sa Pasay City sa press conference ngayon.

Gayunman, ibinahagi ni Marcial na ang ilang pagbabago sa magiging tawagan sa mga laro ngayong taon habang magsisilbing atraksiyon ang agad na salpukan ng paborito ng madla na Barangay Ginebra sa pagbubukas ng liga at ang isasagawa na Leo Awards na parte ng nakaraang season.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Marcial may review na sa posibleng goal tending violations at mas luluwagan ang tawagan sa mga traveling violation sa mga layup.

Una nang ginagamit ng PBA ang 0-1-2 steps bago ang layup. Susundin naman nito ang katulad sa NBA rule kung saan ay maaaring isagawa ang 0-1-2-3 steps bago maisagawa ang isang layup o dunk ng player.

Ang bagong kautusan ang inaasahang magbibigay interes sa mga manlalaro at maging sa mga manonood dahil magiging mabilis ang aksiyon at madadagdagan ang mga puwedeng isagawang galaw sa pag-atake sa goal.

Umaasa si Marcial na maliban sa tanging isasagawang laro, magbibigay interes din ang naantalang taunang Leo Awards, na dating hiwalay na dinaraos bilang panapos sa taon, na pansamantalang nalipat sa pagbubukas ng liga.()