Abante Tonite
Mabilis sa Balita

45 computer shop sa Navotas kinandado

0 71

Umabot na sa 45 mga computer shop ang kinandado ng Navotas local government matapos magbalik operasyon gayung mahigpit itong ipinagbabawal kahit pa nasa general community quarantine (GCQ) ang siyudad.

Kahapon ng umaga, pinakahuling ipinasa ang dalawang piso net sa Brgy. Sepac Almacenm. Inabutan pa ng mga tauhan ng Business Permit and Licensing Office ang mga kabataan na abala sa online game.

Hindi umano alam ng mga internet café owner ang anunsiyo ni Mayor Toby Tiangco na hindi nito pinahihintulutan na mag-operate na ang mga nasabing establisimyento sa pangambang magkahawaan ng virus dito. Dagdag pa, maglalabasan na naman sa kani-kanilang bahay ang mga teenager, gayung mahigpit ang utos ng gobyerno sa stay at home policy.

Bukod sa multa, nanganganib din na makansela ang business license ng mga establisimyento. Multa rin ang ipapataw para sa mga magulang ng kabataan na nahuli sa loob ng internet cafe. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.