Abante Tonite
Mabilis sa Balita

45 na patay! Mga sundalo tustado sa C-130 crash

0 103

Kalunos-lunos ang sinapit ng mga sundalong sakay ng Philippine Air Force (PAF) C-130 na bumagsask sa Patikul, Sulu nitong Linggo.

Kita sa mga larawan na kuha ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga katawan ng mga biktima na halos hindi na makilala sanhi ng pagkasunog matapos na magliyab ang C-130.

Samantala, sa pinakahuling update ng AFP kagabi, umabot na sa 45 ang nasawi sa trahedya kung saan 42 sa mga ito ang military personnel habang ang tatlo ay sibilyan na nadamay nang bumagsak ang C-130.

Umaabot naman sa 54 ang sugatan na kinabibilangan ng 50 sundalo na sakay ng C-130 at apat na sibilyan sa lugar na binagsakan nito.

Patuloy pa umano ang retrieval operation para sa nawawalang 17 pang sundalo na sakay ng nag-crash na military plane.

Nabatid pa na tumulong na rin ang Philippine National Police (PNP) sa search and rescue operation upang makita ang iba pang sundalong nawawala.

Ayon kay PNP chief General Guillermo Eleazar, inatasan na niya ang Police Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region upang tumulong sa mga sundalo sa kanilang mga pangangailangan. (Edwin Balasa/Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.