Abante Tonite Interactive

45% ng Malampaya gas field binili ng Udenna-Dennis Uy

200

Binili na ng Udenna Corporation ni Dennis Uy ang lahat ng share ng Chevron Malamapaya LLC na may-ari ng 45% ng Ma­lampaya gas field.

Ayon sa Udenna Corp., Oktubre 25 nito pinirmahan ang kontrata para bilhin ang shares ng Chevron sa Malampaya na 12 buwan na nilang pinag-uusapan.

Matatagpuan ang Mala­mpaya gas field sa Palawan at mahalaga ito dahil ito lamang ang tanging commercially-producing gas field ng bansa. Dito nanggagaling ang 20% na pangangailangan sa kur­yente.

Pero, kailangan pang aprubahan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang pagbili ng Udenna ng shares ng Chevron sa Malampaya.

Wala naman umanong nakikitang hadlang ang Udenna hinggil dito dahil hindi ito kasali sa anumang upstream fields o gas-to-power value chain.

“Udenna is free of any conflicts of interest with regards to this acquisition,” sabi ng kompanya. (Eileen Mencias)