Abante Tonite
Mabilis sa Balita

45 Pisay scholar pinagmulta ng halos P5M

0 67

Inirekomenda ng Commission on Audit (COA) ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa 45 scholar ng Philippine Science High School (PSHS) kung hindi umano magbabayad ng kabuuang P4.93 milyon bilang multa matapos na hindi sumunod sa kanilang obligasyon na kumuha ng science course sa kolehiyo.

Nabatid na ang mga estudyanteng pinagsasauli ng kanilang scholarship ay mula sa Ilocos Region at Western Visayas.

Inisponsoran sila ng gobyerno para mag-aral sa high school subalit may kondisyon na dapat science and technology course ang kukunin sa kolehiyo.

“Together with their parents or guardians, the students have to reimburse the monetary value of their scholarship should they violate the terms of the agreement,” ayon sa COA.

Ang PSHS ang siyang pinasisingil ng COA at kung hindi umano magbabayad ang mga magulang ay maaari silang kasuhan kasama ng mga estudyante. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.