Abante Tonite
Mabilis sa Balita

456 bahay nasunog sa Davao

0 175

AABOT sa 456 bahay ang tinupok ng apoy sa coastal community ng Agdao, Davao City, ayon sa report ng Philippine Coast Guard (PCG).

Tumulong ang PCG sa pag-evacuate ng mga residente sa nasusunog na lugar.

Sa report ng Bureau of Fire Protection, nabatid na 456 na bahay ang apektado sa sunog na nagsimula alas-3:00 ng hapon at tumagal ng 2-oras bago ideklarang fire out.

Bukod sa PCG District South Eastern Mindanao – Special Operations Unit at PCG Station Davao, tumulong din ang mga volunteers mula sa PCG Auxiliary 811st Squadron. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.