Abante Tonite Interactive

45th PBA 2020 Marso 1 – Marcial

358

‘Di pa man nasi­simulan ang 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2019-2020 best-of-five semifinals, tinakda na ang kabuuang plano ng ­tanging propesyonal na liga sa bansa sa Marso 1 ng susunod na taon.

Napag-alaman Miyerkoles PBA Commissioner Willie Marcial, na tatlong komperensiya pa rin ang pagla­labanan sa liga, kasama ang Philippine at Commissioner’s Cups.

Pero mas bibigyan nang mahabang panahon para makapagpahinga ang 12 koponan gayundin ang mga manlalaro partikular na ang mga ­napasabak sa internasyonal na kampanya ng bansa sa taong ito.

“Olympic year next season, kaya patuloy natin na susuportahan ang ating mga atleta. Ang liga naman ay nakahanda lagi sa pagtulong sa kanila,” sabi ni Marcial.

Muling sisimulan ang torneo sa prestihiyosong All-Pinoy bago ang midseason ­Commissioner’s Cup at seasone-nding pa rin ang Govs Cup.

‘Di naman muna sinabi ni Marcial ang kanilang mga plano, taktika at istratehiya para sa susunod na taon.

Pamumunuang muli nang kontrobersiyal na si Talk ‘N Text Governor Victorico ‘Ricky’ Vargaz ang liga bilang chairman. (Lito Oredo)