Abante Tonite
Mabilis sa Balita

46 school atat sa face-to-face class

0 103

Umapela ang may 46 paaralan sa Department of Education (DepEd) na isama sila sa papayagan na magsagawa ng pilot run ng face-to-face classes na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 15.

Ayon kay DepEd Director Malcolm Garma, isasailalim pa saassessment ang mga paaralan na nais magsagawa ng face-to-face class na kung saan nasa 59 school lamang ang pinayagan ng Department of Health (DOH) na magsimula ng pilot classes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nilinaw ni Garma na sa 46 school na nag-request na maisama, 29 ang kabilang na sa 638 school habang ang 17 ay hindi pa nano-nominate ng regions.

Nabatid na nasa 638 paaralan ang na-assessed na ng DOH-Epidemiology Bureau at nasa 59 school lamang ang aprubadodahil sa mababang kaso ng COVID-19. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.