Abante Tonite
Mabilis sa Balita

47 nahuling pasaway sa protocol, COVID positive

0 408

Nagpositive sa COVID-19 ang 47 katao mula sa 209 na nasita dahil sa paglabag sa mga ipinatutupad na health protocol sa Navotas City.

Batay ito sa ulat ng City Health Office at ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) kay Mayor Toby Tiangco.

Base sa resulta ng kanilang RT-PCR swab test, positibo bilang mga asymtomatic ang 47 inidibiduwal na nahuli mula noong Marso 16 hanggang 19, dahil sa paglabag sa curfew, walang suot na face mask at social distancing.

Sinabi ng alkalde na mahigpit nilang ipinatutupad ang City Ordinance No. 2021-17 na sa halip na pagmultahin ang sinumang mahuhuling lumalabag sa health protocol, mandato silang isasailaim sa RT-PCR swab testing.

Sa oras na magpositibo sa sakit ang sinumang mahuhuli ay dadalhin ang mga ito sa isolation facility, habang ang kanilang mga kasama sa bahay ay isailaim din sa swab test. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.