Abante Tonite
Mabilis sa Balita

480K AstraZeneca vaccine dumating na

0 97

Sinalubong ng mga opisyal ng gobyerno ang pagdating ng mahigit 480,000 bakuna ng AstraZeneca kontra COVID-19 na nakuha sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Lumapag ang eroplanong naghatid ng AstraZeneca vaccine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong alas-7:10 ng gabi nitong Huwebes.

Dinala ang mga bakuna patungo sa Villamor Air Base sa Pasay City para sa isang simpleng seremonya na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na ang AstraZeneca vaccine ay donasyon ng 12 bansa, kabilang dito ang Germany, European Union, Norway, France, Italy, Spain, Netherlands, Sweden, Denmark, Belgium, Austria at Greece.

Mula sa Villamor Air Base ay ibibiyahe ang mga bagong dumating na bakuna patungo sa MetroPac Movers Inc. warehouse sa Marikina City. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.