Abante Tonite Interactive

488 baril kumpiskado sa Oplan Katok

385

Nakalikom ang Police Regional Office 1 (PRO1) ng may 488 bilang ng iba’t ibang uri ng mga baril matapos ang implementasyon ng ‘Oplan Katok’ para sa mga gun owner na nag-expire na ang lisensya nito sa buong Region 1 mula Enero 1 hanggang Pebrero 27 sa taong kasalukuyan.

Ayon kay PRO1 information officer Supt. Mary Crystal B. Peralta, sinabi ni PRO1 regional director Chief Supt.

Romulo Sapitula, 14 na mga baril ay boluntaryong isinuko ng mga gun owner na hindi na interesado sa kanilang mga baril at 474 sa mga ito ay deniposit para sa safekeeping habang inaayos ang mga lisensya nito.

Sinabi ni Sapitula na ang Oplan Katok ay parte ng kanilang kampanya para labanan ang anumang karahasan para sa napipintong midterm election nitong Mayo.