Abante Tonite
Mabilis sa Balita

49 brgy off’l swak sa iregularidad ng SAP, quarantine

0 144

Sinampahan ng kasong kriminal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman ang 49 barangay official dahil sa korapsiyon sa distribusyon ng Social Amelioration Program (SAP).

Bukod dito, sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño na kabilang sa mga kinasuhan nila ay ang mga may nagawang paglabag sa protocol ng social distancing na ipinatutupad ng pamahalaan sa gitna ng pandemic.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Diño ang mga barangay officials na pangunahan ang pagsunod sa health protocols habang umiiral pa ang mga community quarantine law.

“Dapat manguna ang barangay official totoo ‘yan. Dapat manguna ang mga barangay official. Hindi sila maging pasaway dahil kung ano kahit kapitan ka, aarestuhin ka. Dapat ikaw patungan ng dobleng parusa dahil ikaw dapat ang nagpapatupad ng batas,” dagdag pa ng DILG official.

Una nang inianunsiyo ni DILG Secretary Eduardo Año kamakailan na may 50 barangay official ang isinailalim nila sa preventive suspension bunsod ng umano’y iregularidad sa pamamahagi ng SAP. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.