Abante Tonite
Mabilis sa Balita

49 Chinese walang permit na nagtrabaho, kalaboso

0 277

Arestado ang 49 Chinese nationals sa Sarangani province sa umano’y pagtatrabaho sa isang steel company sa nasabing lalawigan nang walang kaukulang work permit.

Sa ulat sa Sarangani Police Provincial Office, nasa kustodya na ng Bureau of Immigration (BI) ang nasabing mga dayuhan matapos ang ginawang operasyon sa compound ng Panhua Industrial Steel Inc. sa Barangay Kamanga, Maasim nitong nakaraang Biyernes.

Ang operasyon ay ginawa ng Maasim Municipal Police Station (MPS) base na rin sa mission order na inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente at walang naipakitang kaukulang dokumento ng pagtatrabaho sa bansa ang mga ito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng BI ang mga banyaga na pinamumunuan ng isang Guiang Xiao.

Lumalabas na noong Marso, nakakuha ng work permit ang mga dayuhan sa Bureau of Immigration subalit lumabas na nagkaroon ng “misrepresentation” sa kanilang aplikasyon para sa permit.

Isa lang sa 50 nagtatrabahong banyaga ang nakapagpakita na kaukulang dokumento na pinakawalan naman ng awtoridad. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.