Abante Tonite
Mabilis sa Balita

49 lugar sa Eastern Visayas ginapang ng ASF

0 84

Umabot na sa 49 bayan at lungsod sa Eastern Visayas ang apektado ng African Swine Fever (ASF), ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes.

Batay sa datos ng DA, nasa 14,924 baboy ang dinapuan ng ASF mula sa 230 barangay.

Subalit sinabi ni DA regional information officer Francis Rosaroso na ito’y 6.68% lamang ng mahigit 220,000 baboy sa rehiyon kaya hindi umano sila gaanong naalarma sa ASF sa lugar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Although there are new areas affected, this is not alarming since the rate of increase has been going down. The total number of affected villages is only 5% of the total,” pahayag ni Romaroso.

Base rin aniya sa tren, wala namang pagtaas ng bilang ng mga baboy na dinapuan ng ASF.

Ang hindi nababantayang pagbebenta ng processed meat ang hinihinalang dahilan ng pagkalat ng ASF. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.