Abante Tonite
Mabilis sa Balita

495 dagdag cell towers permit nakopo ng Globe

0 387

TUMANGGAP ng malawakang suporta ang target ng Globe na makapagtayo ng 2,000 bagong towers ngayong taon makaraang makakuha ng kabuuang 495 permits mula sa iba’t ibang local government units sa unang dalawang buwan ng taon.

Ang kompanya ay nakakuha ng 253 permits noong Enero at sinundan ng 242 pa noong Pebrero.

Ang North Luzon ang nangunguna sa mga lugar na may pinakamaraming permits na nakuha na may 164, sumusunod ang NCR na may 118 at Visayas na may 78. Pang-apat ang Mindanao na may 71 at kasunod ang South Luzon na may 64 permits.

“More and more local government units are now realizing the value and importance of connectivity especially for people who work from home and for children doing online learning. They have seen the importance of having a strong internet connection and good signal on how to extend basic government services to their constituents. Not having connectivity, while the whole country has embraced the new normal, will really have an impact on how the people see their LGUs in these challenging times,” wika ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.

Pagdating sa mga lalawigan, ang Nueva Ecija ang nag-isyu ng pinakamaraming permits na may 40, pangalawa ang Pangasinan na may 32 at pangatlo ang Davao del Sur na may 31 — 23 rito ay nagmula sa Davao City pa lamang. Ang Cebu ay nagpalabas ng 30 habang ang Bulacan ay may 20 permits.

Sa Metro Manila, ang Pasig City ang nanguna sa LGUs na may pinakamaraming permits na inisyu na may 25. Pangalawa ang Manila na may 22 at pangatlo ang Makati na may 11. Ang Quezon City ay nagbigay ng 9 permits habang ang Paranaque ay may 7.

Sa agresibo at tuloy-tuloy na network builds at upgrades ng Globe ay humusay ang overall customer data experience kung saan ang telco ang ‘most improved’ sa mobile average download speed sa lahat ng teknolohiya sa 16.44 Mbps noong Q4 ng 2020 mula 13.50 Mbps sa Q4 ng 2019, mas mataas ng 22%, ayon sa Ookla data.

Leave A Reply

Your email address will not be published.