Abante Tonite
Mabilis sa Balita

49K aktibong virus case pinakamababa mula Marso

0 238

Bumababa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 infection sa bansa, base sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles.

Ayon sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 431, nakapagtala ng 49,951 aktibong kaso ng virus infection sa bansa hanggang kahapon.

Pinakamababa umano ang bilang na ito mula noong Marso 14 kung saan sumirit ang virus infection.

Ang naturang bilang ng mga aktibong kaso ay katumbas umano ng 4.3% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Nakapagtala naman ng 4,700 bagong kaso kaya umakyat sa 1,159,071 ang kabuuang bilang ng COVID-19 infection sa bansa.

May 6,986 bagong gumaling dahilan para umabot na sa 1,089,613 ang kabuuang nakarekober sa naturang sakit.

Nasa 136 naman ang naitala na bagong namatay kaya umakyat sa 19,507 ang kabuuan ng nasawi dahil sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.