Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4K empleyado sa Lapu-Lapu, jobless

0 91

Dahil sa coronavirus disease nasa 4,400 bilang ng mga manggagawa sa Mactan Export Processing Zone (MEPZ) sa Lapu-Lapu City ang nasibak sa trabaho.

Tinatayang nasa 100,000 ang empleyado sa MEPZ.

Ayon kay Department of Labor and Employment-Central Visayas Director Salome Siaton, na-retrench ang nasabing mga empleyado mula sa limang sports garment company sa MEPZ na epektibo sa Oktubre 4.

Ito umano ang unang bugso ng retrenchment sa MEPZ dahil sa pandemya, base na rin sa naunang ulat.

Taong 1979 binuksan ang MEPZ kung saan makikita ang 35 na negosyo mula sa mga kasuotan hanggang sa electronics.

Nasa 50 porsiyento ay pag-aari ng mga Japanese. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.