Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4K jeep, provincial bus pinayagang bumiyahe

0 298

Binigyang pahintulot ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumiyahe ang mahigit 4,000 provincial bus at jeep sa Metro Manila sa susunod na linggo.

Inihayag nitong Huwebes ni LTFRB-National Capital Region Director Zona Tamayo na 1,800 jeep ang bibiyahe na sa 60 ruta at 2,600 provincial bus naman ang aarangkada na rin sa 190 ruta sa Metro Manila, kapag nakatanggap na umano sila ng go signal mula sa mga lokal na pamahalaan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kahit naka-ECQ ang NCR Plus hindi na-suspend ang public transportation. Itong pag-o-open ng routes tuloy po ito provided na papayagan ng concerned LGU,” ayon kay Tamayo. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.