Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4K nawawalang `VIP’ bakuna pinakakalkal sa NBI

0 46

Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y nawawalang 4,000 doses ng COVID vaccine na ibinibigay sa mga VIP.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez, natukoy na ng NBI ang lugar na pinagdalhan sa mga bakuna at ito ngayon ang sentro ng operasyon ng mga awtoridad.

“Nakipag-ugnayan kami sa NBI. Tukoy na yung lugar kaya lang hindi makapagbigay ng impormasyon dahil ongoing yung imbestigasyon,” ani Galvez.

Tumanggi ang vaccine czar na magbigay ng dagdag na detalye dahil sa ginagawang operasyon ng NBI at ayaw na madiskaril ang trabaho ng mga ito.

Sinabi ni Galvez na mahigpit na ipinagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang privilege access o pa-VIP sa paggamit ng mga bakuna dahil nais niyang unahin ang mga mahihirap na mamamayan.

Binigyang-diin ng kalihim na ipinagbabawal sa batas ang pagreserba at pagbibigay-pribelihiyo sa mga opisyal o politiko para unahin sa bakuna kontra COVID dahil mananagot ang mga ito. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.