Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4M Chinese bumuhos sa `pastillas’ scam

0 314

Pinuna ni Senador Risa Hontiveros kung bakit mula 2017 ay dumagsa ang mga Chinese sa Pilipinas na mas higit pa sa buong populasyon ng Quezon City na pinakamalaking siyudad sa Metro Manila.

Sinabi ito ng senador sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality, hinggil sa `pastillas’ scam na ang modus ay aregluhin umano ang mabilis na pagpasok sa bansa ng mga Chinese kapalit ng P10,000 bilang service fee.

Base sa datos ng Bureau of Immigration (BI), ayon kay Hontiveros, mahigit apat na milyong Chinese national na ang pumasok sa bansa mula pa noong 2017.

“The numbers are staggering. For the sake of comparison, four million Chinese nationals arriving here since 2017 is comparable to more than the entire population of Quezon City,” sabi Hontiveros.

“Kumbaga, bakit mas marami pa sa mga residente ng QC ang bilang ng Chinese na pinapapasok sa bansa?” aniya pa.

SM food to go Banner Ad

Sa nasabing bilang, mahigit 3.8 bilyong Chinese aniya ay non-VUA (Visa Upon Arrival) applicant habang 150,000 naman ang VUA applicant.

Ang VUA program ay isang visa scheme ng gobyerno na inilunsad noong 2017 para makahikayat ng maraming turistang Chinese na pumunta sa bansa.

Sa ilalim ng programa, ang VUA grantee ay pinapayagang makapasok at manatili sa bansa sa loob ng 30 araw na hindi na kailangan pang kumuha ng entry visa mula sa Philippine consulate kung saan ito nagmula.

Mahigit tatlong milyong non-VUA applicant ang pinaniniwalaang nagbayad ng P10,000 service fee sa `pastillas’ scam, ayon pa kay Hontiveros.

Sinisi pa ni Hontiveros ang pagdagsa ng mga Chinese sa bansa sa isa aniyang department order ng BI at sa mag-amang Maynardo at Marc Red Mariñas na bilang mga “gatekeeper” ay siyang dahilan umano ng “uncontrolled entry” ng mga Chinese national bago sila umalis sa ahensya noong 2018.(Nancy Carvajal/Dindo Matining/Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.