Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4M nagpalista sa kinder, junior, senior high

0 127

Umabot na sa 99% o nasa 4.5 milyong mag-aaral sa kindergarten, grade 1, 7 at 11 ang maagang nagparehistro para sa school year 2021-2022.

Batay sa final monitoring report ng Department of Education (DepEd), nasa 4,557,435 learner sa kindergarten, grade 1, 7, at 11 ang pasok na sa early registration na sinimulan noong Abril at nagtapos nitong Mayo 31.

SM food to go Banner Ad

Mula sa nasabing bilang ay nasa 991,689 ang maagang nagparehistro para sa kindergarten; 1,554,556 naman sa grade 1; 1,143,193 sa grade 7 (junior high school); at 867,997 sa grade 11 (senior high school) ang nagparehistro na para sa susunod na pasukan.

Nabatid na ang Calabarzon ang may pinakamaraming bilang ng mga maagang nagparehistro na 480,709, sumunod ang Central Visayas na mayroong 405,001 at Western Visayas na 387,152 ang registrant. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.