Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4Ps aayudahan ng Lacson government

0 218

Para maitaas ang dignidad ng mga Pilipino, hinayag ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson ang pagsusulong niya sa pagbabago sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa kanilang “Online Kumustahan” sa LausGroup Event Centre sa San Fernando, Pampanga nitong Linggo, Nobyembre 14, giniit ni Lacson ang pangangailangan para sa reporma sa nasabing cash assistance program ng pamahalaan.

“Gawin nating Pang-ahon o Pang-angat, bigyan natin ng purpose. Hindi naman pwede ‘yung kababayan natin habambuhay nang umaasa sa dole out. Pwede nating dagdagan ‘yung 4Ps kunin natin sa ibang mga DSWD programs,” sabi ni Lacson.

Siniwalat rin ng batikang mambabatas na mayroong ibang mga programa ang DSWD na may magkakaparehong layunin.

“Alam niyo ba nagbilang kami kung ilan ang programa sa DSWD na nago-overlap, there are 15 different programs. Why? Mayroong supplementary feeding, mayroong for senior citizen, pwede namang i-collab siguro dagdagan natin ‘yung 4Ps pero huwag 4Ps, dagdagan natin ng isang P,” aniya.

Nais ni Lacson na madagdag sa nasabing programa ang pang-ahon o pang-angat na component para matulungan na magkaroon ng hanapbuhay ang mga benepisyaryo nito.

“Para makaahon, maka-graduate sa 4Ps maging kapaki-pakinabang. Meaning bigyan mo ng component ng livelihood hindi ‘yung dole out forever, hindi na sila aalis doon sa below poverty line. Pero kung bibigyan mo ng karagdagan at haluan mo ng skills development para makapag-livelihood,” paliwanag niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umaasa rin si Lacson na darating na panahon ay hindi na kakailangan ng mga Pilipino ng 4Ps. Aniya, “Kasi kung may forever na 4Ps ibig sabihin 4.4 million household ang umaasa sa 4Ps.”

“For the period of 3 or 4 years, alam niyo ba kung magkano na ang nagagastos ng ating national government para sa 4Ps? P447B, half a trillion pesos. Ganyan na lang ba tayo habambuhay?” hamon pa ni Lacson.

Direksyon ng pag-aaral ni Lacson kung paano matutugunan ang pangangailangang ito ng mga nasa pinakamahirap na sektor para maiangat ang dignidad ng mga Pilipino

“’Yung 4Ps magandang pakinggan kasi nakakatulong pero ‘yung endgame niya parang hindi maganda kaya kailangan reinvent natin.”

Kaugnay pa nito, hindi rin pabor si Lacson sa mandatoryong pagpapabakuna sa mga benepisyaryo ng 4Ps. Giit niya, “Magandang hangarin pero hindi magandang pamamaraan.”

Mas maganda umano na bigyan na lang ng insentibo ang mga magpapabakuna imbes na pilitin ito upang maproteksyonan ang kanilang karapatan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.