Abante Tonite Interactive

4Ps isinabatas ni Duterte

441

Pinagtibay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pantawid Pamil­yang Pilipino Prog­ram o 4Ps ng pamahalaan matapos pirmahan ang batas para maging permanente na ang pagpapatupad nito.

Sa ilalim ng Republic Act 11310 na pi­nirmahan ng Pangulo, maaaring umabot sa pitong taon ang pagbibi­gay ng cash grant sa mga benepisyaryo ng 4Ps o maaring mapalawig pa, batay sa magiging rekomendasyon ng National Advisory Council.

Sa ilalim ng batas, makakatanggap ang bawat mahirap na pa­milya ng mula P300 hanggang P700 kada buwan depende sa antas ng batang mag-aaral at hiwalay na P750 para sa kondisyong pangkalusugan ng batang benepis­yaryo.

Ngayong taon ay nag­laan ang gobyerno ng P88 bilyong pondo para sa 4Ps.
Nakapaloob din sa batas ang serbisyong pangkalusugan ng mga benepisyaryo sa ilalim ng National Health Insurance Program.

Ang mga mapapatunayang nagmanipula sa listahan ng mga benepisyaryo ay pagmumultahin ng P100,000 at makukulong.

Nabatid na Abril 17, 2019 pa pinirmahan ng Pangulo ang batas pero ngayon lamang ito inilabas ng Malacañang. (Aileen Taliping)