Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4Ps party-list tutol sa ‘no bakuna, walang subsidy’

0 160

Hindi sang-ayon ang 4Ps Party-list sa mungkahi na hindi bigyan ng subsidiya ang mga 4Ps beneficiaries na hindi pa nababakunahan.

Ayon sa tagapagsalita ng 4Ps Party-list na si Atty. Norman Tansingco, ang bakuna ay dapat na maging mandatory lamang sa mga piling sektor katulad ng mga healthcare workers, guro at empleyado ng gobyerno.

Ang 4Ps beneficiaries na itinuturing na mahihirap sa ating bansa ay hindi dapat pagkaitan ng subsidiya dahil lamang hindi sila nabakunahan.

Sa halip aniya ay dapat paigtingin pa ang kampanya ng gobyerno upang tumaas ang bilang ng mga nagpapabakuna sa pamamagitan ng information drives, incentives at house-to-house vaccination lalo na sa mga probinsya at malalayong lugar.

Kailangan ding aniya tiyaking may pantay na access ang mga 4Ps beneficiary sa bakuna. Maaaring lehitimo naman aniya ang dahilan ng ibang miyembro ng 4Ps kaya hindi pa sila nababakunahan gaya ng kawalan ng access sa bakuna o walang available na bakuna sa kanilang mga lugar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.