Abante Tonite Interactive

4S tagumpay Kaso ng dengue mababa

297

Inianunsiyo ng Department of Health (DOH) na patuloy ang pagbaba ng kaso ng dengue sa bansa.

Base sa Surveillance report ng DOH, tanging isang rehiyon na lamang ang lumampas sa alert threshold at isa naman ang lumampas sa epidemic threshold.

Lumabas sa report lahat ng rehiyon bumaba ang kaso ng dengue sa nakalipas na tatlong buwan.

Nabatid na mula Disyembre 22-31 may naitala lamang na 815 kaso ng dengue na 87 % mas mababa kumpara sa 6,125 kaso na naitala sa kaparehas na pa­nahon noong 2018.

Matatandaan na noong Agosto 6, 2019 nagdeklara ang DOH ng national dengue epidemic matapos na umabot sa 146,062 ang laso ng dengue na dumoble ang bilang kaparehas na panahon noong 2018.

Nabatid na 7 sa 17 rehiyon ang lumampas sa alert threshold sa kaparehas na panahon.

“The success of the Sabayang 4 O’Clock Habit para Deng-Get Out campaign is attributed to its whole-of-government and whole-of-society approach.

It is through the concerted efforts of government agencies, our private sector and civil society organizations, development partners, schools, communities, and every Filipino that we were able to successfully address the dengue outbreak,”ayon kay Health Secretary Francisco Duque III .

Hinimok naman ni Duque ang publiko na huwag maging kumpiyansa at patuloy na i-adopt ang 4S strategy kahit pa bumaba ang kaso ng dengue sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)