Abante Tonite Interactive

4th chinese pogo sex den sinalakay

0 269

Sa pang-apat na pagkakataon, sinalakay ng mga awtoridad ang isang hotel na ginagawang sexual activities na ikinadakip at pagsagip sa 35 babaeng Chinese national na pawang sex wor­kers, 21 kalalakihang kostumer na kanila ring kababayan at 10 Filipino empleyado ang inaresto sa Makati City nitong Lunes nang gabi.

Sa report ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, alas-11:00 nang gabi nang madakip ang mga suspek sa ikinasang entrapment operation sa 9th Floor, (Showroom), 10th Floor at Penthouse sa Maxx Hotel, Makati Avenue, Brgy. Poblacion, Makati City.

Ayon kay Simon, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil umano sa nagaganap na sexual activities sa naturang hotel na kinabibilangan ng mga Chinese national.

Agad namang bumuo ng team si Simon upang salakayin ang naturang hotel at dito na naabutan ang mga Chinese prosti at pawang mga kababayan din nila ang kanilang mga kostumer.

Bukod dito, sinabi din ni Col. Simon na ang mga lalaking dayuhan ay mga nagtratrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Nabatid pa na isinasagawa ang transaksyon sa pamamagitan ng mobile application na ‘We Chat’ na ginagamit sa booking para magkaroon ka ng kostumer kung saan idinadaos ang sex den.

Bukod dito, nasa P20,000 hanggang P45,000 ang sinasabing sex service kada isang oras na ginagawa sa isang VIP room – na kung ikukumpara sa mga prostitute na Pinay na makukuha sa ibang mga prostitution den ay umaabot lamang sa halagang P1,500-P2,500 ang bayad.

Nakumpiska mula sa nasabing lugar ang assorted sex paraphernalia, costumes, sex toys, sex books at tally board.

Nabatid na pang-apat na beses nang sinalakay ng mga awtoridad ang area ng Southern na may malalaking establisimyento at ginagawang sex den.

Kaugnay nito’y tuluyan nang isinara ng Makati Business Permit and Lisensing Office (BPLO) ang Maxx Hotel dahil na rin sa kasong paglabag sa Republic Act 10364 or the Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012. (Armida Rico)