Abante Tonite Interactive

4th package ng tax reform aprub sa Kamara

286

Inaprubahan kahapon sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang ikaapat na package ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ng administrasyong Duterte.

Sa botong 186-6 at 2 abstentions, inaprubahan sa kapulungan ang House Bill 304 o ang proposed “Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act”, na inakda ni House Committee on Ways and Means chair Joey Salceda.

Layon ng panukala na i-redesign ang financial sector taxation para maging simple, patas at epektibo.

Aasahan umanong makakalikom ng P4.2 billion sa government revenues sa unang taong implementasyon ang naturang panukala.

Nauna nang pumasa sa Kamara ang panukalang batas na nagtataas sa buwis sa mga alak, e-cigarettes at vaping products. (JC Cahinhinan)