Abante Tonite Interactive

5.1 lindol sa Cagayan

By
8

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan kahapon ng umaga.

Naitala ang pagyanig alas 6:08 ng umaga sa 37 kilometro sa hilagang bahagi ng Calayan.

May lalim na 30 kilometro ang lindol at tectonic ang origin.

Abante Hiring – IT dep

Dahil sa nasabing lindol, naitala ng Phivolcs ang sumusunod na Intensities:

Intensity 4 – Calayan & Santa Paxedes, Cagayan; Pagudpud, Ilocos Norte
Intensity 3 – Sanchez Mira, Cagayan; Dumalneg & Baruyan, Ilocos Norte
Intensity 2 – Laoag City; Pasuquin, Ilocos Norte; Luna, Sta. Marcela & Flora, Apayao
Intensity 1 – Peñablanca, Cagayan.