Abante Tonite Interactive

5.1 magnitude tumama sa Samar

0 128

Nilindol ng 5.1 magnitude quake ang Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, ala-1:31 ng hapon naramdaman ang lindol na ang sentro ay sa bayan ng Guiuan.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na yumanig din sa Borongan City na nasa Intensity IV, Intensity III sa Palo, Leyte at San Francisco, Southern Leyte; intensity 2 sa Surigao City at intensity 1 sa Ormoc at Gingoog City.

Wala namang naitalang pinsala at walang inaasahang mga aftershock.
Samantala, isang seismic instrument o earthquake monitoring instrument na magmo-monitor sa paggalaw ng lupa ang inilagay ng Phivolcs sa Davao del Sur.

Inilagay ito sa ilalim ng lupa sa compound ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Imo-monitor ng nasabing instrumento ang mga fault line sa Brgy. Inawayan at Darong sa nasabing lugar.

Isa pang seismic instrument ang inilagay sa Mt. Apo para naman i-monitor ang volcanic earthquake sa Mt Apo. (Tina Mendoza)