Abante Tonite Interactive

5.3 magnitude na lindol sa Cotabato

261

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.3 ang North Cotabato kagabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naramdaman ang lindol ganap na alas-8:37 nang gabi ng Martes.

Tectonic ang origin ng lindol at ang sentro nito ay natunton 8 kilometro sa Makilala, North Cotabato.

Nagresulta din ito sa Intensity 4 na paggalaw at naramdaman sa Kidapawan City.

Sa kasalukuyan ay wala namang naiulat na anumang casualty o nasirang ari-arian.