Abante Tonite Interactive

5.4 quake tumama sa Sarangani

169

Isang magnitude 5.4 quake ang tumama kahapon sa Davao Occidental at inaasahan ang mga aftershock bunsod ng nangyaring pagyanig.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) alas-tres nang hapon naramdaman ang lindol na ang sentro ay 136km East ng Saranggani.

Intensity 1 naman ang naramdaman sa Alabel, Saranggani at sa General Santos City.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 24km.

Walang inaasahang pinsala sa naganap na lindol subalit asahan umano na magkakaroon ng mga aftershock sa mga susunod na oras. (Tina Mendoza)