Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5.6-magnitude yumanig sa Davao Oriental

0 230

Niyanig ng 5.6 magnitude na lindol ang Davao Oriental kahapon ng umaga.

Sa tala ng Philippine Institute of Seismology and Volcanology (Phivolcs) nangyari ang pag-uga ganap na ika-11:12 ng umaga.

Tectonic ang origin at may lalim na 59 kilometro ang lindol na ang epicenter ay may layong 81 kilometers Southeast sa Manay.

Sa lakas ng pagyanig naramdaman ang Intensity III sa Malungon, Sarangani; Intensity II sa Alabel at Kiamba, Sarangani; habang Intensity I naman sa Koronadal City at Tupi, South Cotabato at General Santos City. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.