Abante Tonite Interactive

5-anyos dedbol sa hagip ng pick-up

0 237

Patay ang isang 5-anyos na lalaki matapos mabangga ng humaharurot na pick-up van sa national highway ng Zone 3, Brgy. Dummon, Gattaran, Cagayan noong Lunes.

Kinilala ni Gattaran Police Station (GPS) officer P/Staff Sgt. Joyce Conel ang biktimang si John Patrict Abuan.

Ang pick-up driver naman ay si Rolando Bongalos, 52, ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, ayon kay Conel, bigla umanong tumawid ang biktima kaya nahagip ng pick-up na minamaneho ni Bongalos.

Ayon sa GPS, ga­ling umano ang suspek sa Tuguegarao pauwi ng Dummon nang bigla umanong tumawid ang biktima kaya nahagip ng pick-up na minamaneho ni Bo­ngalos.

Sinabi ni Conel, sa halip na huminto ay pinaharurot ng suspek ang sasakyan. Gayunma’y sumuko rin ito sa 203rd Manuever Company sa bayan ng Lallo, Cagayan. (Allan Bergonia)