Abante Tonite Interactive

5-anyos ginahasa, pinatay sa sakal ni pinsan

By
782

Isang batang babae na limang taong gulang ang hinihinalang ginahasa saka pinatay sa sakal noong Miyerkoles ng hapon at natagpuang patay na kinabukasan ng madaling-araw sa Brgy. Cogon, Gitagum, Misamis Oriental.

Base sa ulat ni SPO4 Jeanny Arances Relavo, deputy chief of police ng Gitagum Municipal Police Station, Miyerkoles pa ng hapon pinaghahanap ng kanyang mga magulang ang biktima matapos na hindi ito nakauwi ga­ling sa eskuwela.

Base naman sa ilang saksi, Miyerkoles ng hapon nang huling makitang buhay ang biktima at ang 12-anyos na pinsang lalaki ang kasama nito.

Natagpuan na natatakpan ng damo ang bangkay ng biktima kinabukasan na ng madaling-araw matapos na ituro mismo ng suspek.

Base sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), sinakal ang biktima kaya ito namatay at may indikasyon rin na hinalay ito.

Samantala, sa ginawang imbestigasyon at pagtatanong sa 12-anyos na suspek, may mga butas umano ang mga paliwanag nito pero itinatanggi umano na siya ang gumawa ng krimen.

Nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis ang 12-anyos na suspek at nakatakdang ibigay sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development.