Abante Tonite Interactive

5-anyos na bata sa Cebu negatibo sa nCoV

176

Negatibo umano sa novel coronavirus­ (nCoV) ang isang 5-anyos­ na Chinese boy na unang kinakitaan ng sintomas ng virus.

Lumabas sa confirmatory test na ginawa sa Australia sa bata na inilagay sa quarantine sa Cebu, na wala itong coronavirus.

Ang bata ay duma­ting sa Cebu mula sa Wuhan at pinigil matapos kakitaan ng sintomas.

Sanhi nito sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na libre pa rin ang Pilipinas sa nCoV infection. (Juliet de Loza-Cudia)