Abante Tonite Interactive

5-anyos na sinilid sa laundry bag positibong ginahasa

642

Matapos ang halos isang taon, lumabas sa pagsusuri sa Deoxyribonucleic Acid (DNA) na hindi lamang pinatay kundi ginahasa pa ang 5 taon na batang babae na natagpuang nakasilid sa isang laundry bag ng isang binatilyo na naunang itinanggi ng suspek sa Naic, Cavite.

Ayon sa isang reliable source, lumabas sa DNA result na positibong ginahasa si ‘Cheryl’ na noon ay 5-anyos na batang babaeng kindergarden ng suspek na si Junjun, na noon ay 16-anyos.

Ang resulta ng DNA ay napasakamay lamang ng Naic MPS nitong Biyernes, Pebrero 21, bagama’t lumabas ang resulta noong Nobyembre 15, 2019 at kagustuhan din ng mga magulang ng biktima na malaman ang pinupuntahan ng imbestigasyon sa kaso.

Ayon pa sa source, si Junjun ay nasa pangangalaga umano ng kanyang mga magulang matapos tumakas sa Bahay Kalinga kung saan naunang inirekomendang isailalim sa kanilang kustodiya.

Matatandaan na alas-11:59 ng gabi noong Marso 22, 2019 nang isang bangkay ang natagpuan na nakasilid sa isang laundry bag sa 2nd floor ng isang bakanteng bahay sa 76 Block 12 Lot 27, Phase 1, Pasinaya Homes, Sabang, Naic, Cavite. (Gene Adsuara)