Abante Tonite Interactive

5-anyos namatay sa rape ng uncle

0 490

Dahil sa tinamong sugat matapos gahasain ng kanyang tiyuhin, isang 5-anyos na batang babae ang nasawi sa Bukidnon.

Sa nakalap na report, bago ang panggagahasa ay pinakiusapan muna ng suspek ang mga magulang na doon muna sa kanya matulog ang pamangkin dahil nag-aaway ang mga magulang ng biktima.

Bunga noo’y pansamantalang dinala sa bahay ng suspek ang paslit para doon matulog.

Nang sunduin ng ama ang anak kinabukasan ay napansin nitong matamlay ito at nakabalot sa kumot.

Sa labis na pag-aalala ay isinugod niya ang anak sa ospital na sinamahan pa ng suspek pero hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang bata.

Lumabas sa pagsusuri ng mga doktor na ang sugat na dulot ng sinapit na panggagahasa ang ikinamatay ng bata.

Tinangkang magtago ng tiyuhin subalit maagap itong naaresto ng pulisya.