Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5-anyos tinodas habang nalingat ang nanay

0 32

Patay na nang matagpuan ang isang batang babae matapos siyang iwan saglit ng kanyang ina na kumuha lamang ng inaning gulay nitong Lunes ng hapon sa bayan ng Goa, Camarines Sur.

Dakong alas-6:00, Martes ng umaga, nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakilalang si Maria Claire Abad, 5-anyos, sa isang creek sa Zone 4, Brgy. Matacla ng nabatid na bayan.

Ang pinagtagpuan ng bangkay ng bata ay halos 100 metro lamang ang layo mula sa bahay ng pamilya Abad.

Base sa ulat ng pulisya, pinalo umano ng matigas na bagay sa ulo ang biktima. Inaalam pa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Camarines Sur Police Provincial Office kung ginahasa pa ito.

Sa salaysay ng ina ng biktima na nakila­lang si Raquel, dakong alas-3:00, Oktubre 11 ng hapon, nang umalis siya ng bahay upang kumuha ng mga gulay na kanilang tanim sa kanilang bukid.

Inaya umano niya si Claire na sumama sa kanya subalit dahil kagigising lang nito ay hindi ito sumama at sinabing maglalaro na lamang ito sa labas ng kanilang bahay.

Makalipas ang isang oras ay bumalik na si Raquel sa kanilang bahay subalit hindi na niya nakita ang anak hanggang sa magsimula nang dumilim ang paligid ay bigo pa rin siyang ma­hanap ang bata.

Kinabukasan, nagulantang na lang ang pamilya sa balita na natagpuan na ang bata su­balit bangkay na ito kaya agad itong pinuntahan ni Raquel at kanyang asawa. Doon ay nakita nila ang kalunos-lunos na sinapit ng kanilang anak.

Isinuksok ng hindi pa kilalang suspek ang katawan ng bata sa masukal at madamong bahagi ng lugar at ilang mga residente na naninirahan malapit sa creek ang nakakita sa bangkay.

Ayon sa isang naka­kita, napansin lang nito ang paa ng isang bata na agad niyang tiningnan.

Panawagan naman ni Raquel sa pumatay sa kanyang anak: sana ay makonsensiya ito at sumuko na sa pulisya.

Gusto rin ng nanay na mabulok sa kulungan ang hindi pa kilalang suspek upang mapagbayaran nito ang ginawa sa 5-anyos.

Nanawagan naman ang mga pulis sa sinumang makakatulong sa ikalulutas ng kaso. (Edwin Balasa/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.