Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 babae pinansugal tinanggap na ayuda

0 462

Dalawamput-tatlong katao kabilang ang limang babaeng tumanggap ng Social Amelioration Program (SAP) ang inaresto nang maaktuhang nagsusugal ng tong-its sa Barangay Mapulang-Lupa, Pandi, Bulacan habang ang iba ay nasakote sa dalawang bayan at dalawang siyudad sa lalawigang ito, Huwebes ng hapon.

Sa report kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nakilala ang naarestong limang SAP beneficiaries na sina Emma Atencio, Nena Odevilas, Reynalyn Buldas, Bibiana Leogan at Melita Corpus, pawang magkakapit-bahay sa Barangay Mapulang Lupa, Pandi na pawang nakakulong ngayon.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang Pandi police hinggil sa nagaganap na sugal sa isang bahay sa Barangay Mapulang-Lupa, Pandi at sangkot dito ang mga suspek na katatanggap pa lamang ng ayuda sa gobyerno. Agad nagkasa ng anti-illegal gambling operation ang awtoridad at nahuli ang limang suspek na nagtotong-its.

Hindi na nakapalag ang limang suspek at umaming tumanggap sila ng ayuda sa gobyerno kaya nagsugal.

Bukod sa lima, siyam pang katao ang nadakip sa tong-its sa mga bayan ng Bocaue, Meycauayan City, San Rafael, Norzagaray at Malolos ng Bulacan Second Provincial Mobile Force.

Siyam din ang naaktuhang nagma-mahjong sa Meycauayan City at Malolos City. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.