Abante Tonite Interactive

5 Bacolod PNP official sinabon ni Duterte

417

Nakatikim ng matinding sermon kay Pangulong Rodrigo Duterte ang limang opisyal ng pulisya sa Bacolod City nang humarap ang mga ito sa kanya kamakalawa nang gabi.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pane­lo na kinastigo ng Pangulo si Bacolod City Police Chief Senior Supt. Francisco Ebreo at apat pang opis­yal nito na sina Senior Supt. Allan Rubi Macapagal, Supt. Richie Makilan Yatar, Supt. Nasruddin Daud Tayuan at Senior Inspector Victor Paulino dahil sa paglaganap ng iligal na droga sa kanilang lungsod.

“The President particularly expressed his frustration as to why they had no knowledge about the presence of certain personalities in Bacolod who are involved in the illegal drug industry. PRRD further mentioned that they are relieved from their present posts pending their investigation,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na ang mabilis na aksiyon ng Pangulo ay napapanahong babala sa iba pang opis­yal ng Philippine National Police dahil hindi nito kinukun­sinti ang mga inutil sa hanay ng pulisya lalo na sa kampanya kontra iligal na droga.